Railey Paragas ng SBA nanalo sa quiz bee ng dalawang rehiyon (Ilocos at Cordillera)

Posted Date: 02/26/2014

Namayagpag ang talino ni Railey Paragas, isang pangatlong taong mag-aaral ng School of Business and Accountancy sa naganap na National Federation of Junior Philippines Institute of Accountancy Cup: Master’s in Cost Accounting and advisory Services Quiz Bee sa Ilocos Norte noong ika-26 hanggang 28 ng Enero.

Ang paligsahan ay sinalihan ng mga mag-aaral ng accountancy sa unang rehiyon (Ilocos) at Cordillera (CAR).

Ang naturang patimpalak ay tungkol sa iba’t-ibang pamamahala at teorya na may kinalaman sa accountancy.