‘Date with a Special Friend’ idinaos sa CdD bilang pagdiwang ng Valentine

Posted Date: 02/26/2014

Namayaning muli ang diwa ng tunay na pag-ibig sa ating kapuwa, lalung-lalo na sa mga may kapansanan nang idaos ang taunang “Date with a Special Friend” sa pangunguna ng Supreme Student Council at iba’t ibang organisasyon sa Colegio de Dagupan noong Pebrero 14.

Ang mga piling panauhing pawang may kapansanan ay sinundo pa mula sa Area I Vocational Rehabilitation Center sa Bonuan Gueset, Lungsod ng Dagupan, at dinala sa quadrangle ng CdD upang sila’y makisali sa mga sari-saring palaro at papremyo.

Ang mga piling panauhin ay sinamahan ni Bb. Maria Abella, Senior Manpower Development Officer ng AVRC-I.