Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Colegio de Dagupan, Masaya, Makabuluhan at Tagumpay

Posted Date: 09/13/2008
Ang Colegio de Dagupan ay matagumpay na nagdiwang ng Buwan ng Wika kahapon, ika-29 ng Agosto taong 2008.  Ang tema ng pagdiriwang na ito ay “Wika Mo, Wikang Filipino, Wika ng Mundo, Mahalaga!”  Ito ay ginanap sa kauna-unahang pagkakataon sa bulwagan ng Colegio de Dagupan ganap na ala-una ng hapon at natapos ng ika-5 ng hapon.  Gaya ng inaasahan, nakiisa at masayang nagdiwang ang mga estudyante at ng mga opisyales ng Kapisanan ng mga Sulo ng Wikang Filipino (KSWF) at gayundin ang Supreme Student Council o SSC.

Naging mas makabuluhan ang pagdiriwang nang magbigay ng mensahe ang ama ng pamantasan na si Dr. Voltaire P. Arzadon.  Binigyan niya ng papugay ang gobernador ng KSWF na si Bb. Analiza Ubando bilang pagkilala sa kanyang pagorganisa upang ang pagdiriwang ay maging matagumpay.  Nagkaroon ng ibat-ibang patimpalak sa larangan ng sining at musika sa araw na iyon.  At isa sa mga patimpalak na kinagiliwan ng lahat ay ang pagpili ng Lakan at Mutya ng Wika na tunay nga namang nakakaaliw at nakapagbigay saya sa mga manonood.  Ang tinanghal na Lakan ng Wika ay si G. Lloyd Darylle Palma, BSN 1 at ang nagwagi bilang Mutya ng Wika ay si Bb. Princess Joy Delos Santos, BSBA.

Isinabay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang pagluklok sa tungkulin ng mga nahalal na opisyales ng KSWF at ng SSC.  Ang pagluklok sa tungkulin ay pinamunuan ng ating aktibong Quality and Standard Analyst na si Sir Gef Arzadon Quinto.

Ang mga nahalal na opisyales ng KSWF ay sina: Analiza Ubando, BSED bilang Gobernador, Mimilyn Soriano, BSIT - Bise Gobernador, ang kalihim ay si Manuel Mejia, Jr. BSN, at ang Ingat-Yaman naman ay si Marco Orpiano, BSIT, Auditor naman si Venus Nuesco, BSN, Tagapagsalita si Jerald Jake Dioquinto, BSN.  Tagapamahala naman sina Arlene Quidilig, BSN at Marcelino Mendoza, BSED.  Ang mga Tagapamayapa ay sina Edberg de Guzman, BSA at Mark Tandigan, BSA.  Ang tinaguriang Mutya ay si Minerva Laganson, BSHRM.  Ang kanilang Tagapayo ay sina Bb. Rhoda Narag, G. Zoilo Villanueva at G. Ariel Cendaña.  Kabilang naman sa opisyales ng SSC ay sina:  Karla Escaño 1st President, Ellen Mae Lim - Vice President, Secretary - Mark Mabulot, Treasurer - Alan Lester Medina.  Herbert Buenaventura - Auditor, Rambo Abad - Business Manager, at Jordan Rufo bilang PRO.  Ang mga representatives sa unang taon ay sina:  Hazel Mangaliag, Noleynah Tobias, Rishalyn Pidlaoan.  Gizelle Marie Pontawe, Myra Gapuz, Cindy Castro, Rachelle Kim Lumawag, Sher Pauline Palola, Lara Elizabeth Garibay, Debbie Anna Lopez at Ariel Abalos.  Sina Ivee S. Decayo, James Paul Martinez, Jar-Ar Macasieb at John Paul Recreo naman ang representatives ng Pangalawang Taon.  At sina Angelo Benedict Macalanda, Ryan Fernandez, Benzy Llanillo ang mga representatives sa Ikatlong Taon.

Tunay na naging matagumpay ang lahat.  Saludo ako sa pangkalahatang tagapayo ng KSWF na si Gng. Jenny-Agbuya Fabia at sa lahat ng komite na nagsikap ng husto upang maging maganda at matagumpay ang pagdiriwang.  Hangad ko na maging kapaki-pakinabang ang organisasyong KSWF hindi lamang sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika kungdi maging instrumento ito upang tangkilikin ang mga estudyante ng Colegio de Dagupan ang ating Wikang Filipino.  Isulong natin ito!  Ang wikang mahal ko, mahal mo at mahal ng sambayanang Pilipino.